Wednesday, October 10, 2007

blangko

wala akong magawa. wala akong makausap. parepareho lang ang ginagawa ko sa araw-araw. eto at iki-kwento ko ang gawain ko sa isang buong araw:

magigising ako bago mag-alas 9 dahil ginigising na ako ng anak ko, si sophia. itetext ko na muna ang asawa ko ng good morning. tapos aayusin ko higaan namin. papalitan ko ng damit si sophia at papahiran ng off lotion ang mga binti nya. magpapalit ako ng damit ko at magmumumog.

bababa na kami at ihahanda ko na ang almusal ni sophia. minsan cereals. gusto nya yung trix. minsan naman crackers at grapes. sosyal no? sabay kaming kakain. ang almusal ko simple lang. kape at pan de sal. hindi kami nagkakanin sa umaga eh kaya madali akong magutom. pagkatapos ng almusal ay igagawa ko naman ng carrot juice si mama. kelangan nya kasi yun araw-araw. twice a day dapat. pagkatapos ko rito ay maglalaro na kami ni sophia habang nanonood ng tv. paborito nya si barney tsaka mickey mouse clubhouse. kabisado ko na nga mga kanta nila eh. hindi ko naman maiwasang kumanta dahil ito naririnig ko araw-araw. pag nagsawa na syang manood, ililipat ko na yung channel. ako naman ang manonood habang naglalaro kami. pagdating ng alas 10, ililipat ko na sa nickelodeon kasi spongebob squarepants na. paborito rin namin to kahit na parating replay. pagkatapos ng spongebob susubukan ko na syang patulugin bago magtanghalian. pero madalas hindi sya natutulog kaya maglalaro nalang uli kami. pagdating ng tanghalian sabay uli kaming kakain. ihahanda ko ang pagkain nya at sya na ang bahalang kumain magisa. very independent kasi si sophia. pagkatapos kumain ay paliliguan ko na sya. pagkatapos maligo, matutulog na sya. pagnakatulog na sya tsaka palang ako makakaligo. pagtapos kong maligo, maghahanap ako ng ibang pwedeng gawin. ililigpit ko pinagliguan nya kasi makalat. magwawalis ako ng kwarto namin. gagawa ako ng scrapbook ko. pag di pa sya nagigising nag-i-internet ako. check ko email ko, friendster ko at ng asawa ko tsaka greenpinoy.com. di nawawala to. tapos pag natapos ko ng gawin to, maghahanap ako ng makakausap sa ym. minsan si lyndy. minsan si lorena. minsan si shawie. minsan si kuya jeff. minsan naman wala silang lahat kaya nakakainis. pag may nakausap naman ako sa kanila, solve na araw ko. sa wakas may nakausap din akong ibang tao bukod sa nanay ko, sa tatay ko at sa asawa ko. nakakapanis pag wala kang ibang makausap. pakiramdam ko ang liit-liit ng mundo ko.

pagkagising ni sophia, maglalaro na uli kami. pag napagod na sya manonood uli kami ng tv. pagdating ng hapunan ganun uli. ihahanda ko pagkain nya tapos kakain syang magisa. pagkatapos ko namang kumain ay igagawa ko na uli ng carrot juice si mama. pati ako umiinom na rin ng carrot juice araw-araw. pero once a day lang kasi ang sama ng lasa. pagkatapos kong gumawa ng juice, hihilamusan ko na si sophia tapos bibihisan ng pantulog. pag di pa sya inaantok manonood uli sya ng tv. minsan naman binabasahan ko nalang sya ng libro o di kaya kinikwentuhan. masama kasi yung tv ng tv eh. pagkatulog nya, maghihilamos na ako at tatawagan ko na ang asawa ko, si israel. lagi kaming naguusap bago matulog. pagkatapos naming magusap, mag-gu-goodnight na ako sa kanya. papatayin ko na yung ilaw, ilolock ko na yung pinto tapos iseset ko yung timer ng tv sa 30-40 minutes. tapos hihiga na ako. bago pa mamatay yung tv, nakatulog na ako.
bukas iba na namang araw pero ganito pa rin ang gagawin ko. araw-araw sa buong linggo. pwera lang pag weekends kasi umuuwi si israel.

o ano? nag-enjoy ba kayo?