Saturday, November 10, 2007

pancake

pancake ang almusal ko kanina. tapos bigla kong naalala dati nung college pa ako. pinakain ako ng kaibigan ko ng pancake ng mcdo na may suka. eh sa sobrang takaw ko naman inubos ko pa yung bigay nya. syempre di naman kasi nya sinabi na may suka pala yun. tsaka pancake yun ng mcdo. ano ba namang pagisipan ko pa ang pagkain nila.

wala lang. yun lang. nung huling subo ko nalang nalaman na may suka pala yun. kaya pala binigay sa akin. nalasahan ko naman yung asim kaso lang hinaluan kasi nila ng syrup kaya akala ko ganun lang talaga yung lasa ng pancake nung araw na yun. maasim-asim. yuck.

2 comments:

Unknown said...

mag blog ka na pala hindi ka nagsasabi! hmpf. hehehe. miss you magay! link kita ha.

maggiee said...

hehehe sure clare!